Wednesday, May 11, 2011

fast five eksperyens

Noong makita kong showing na ang Fast and Furious 5 sa mga sinehan, gusto ko talagang manood kasi crush ko si Paul Walker at trip ko ang mga previous installment ng pelikulang ito. Inantay ko din to, tagal ko ng hindi na sisight-seeing si Paul Walker eh.

Niyaya ko si gelpren na manood noong nakaraang Sabado sa Gateway mall. After lunch ay nasa mall na kami. 4:00pm ang kinuha naming sched ng Fast 5. Habang hinihintay namin ang airing, kumain muna kami, naglaro sa Timezone, at naglibot-libot na rin. Muntik ko na ngang makaligtaan ang ticket at todo search and rescue sa bulsa ng aking 6 pocket short, tiningnan ko nga din ang ngala ngala ko baka nalunok ko ung ticket.

Ayun, 3:50PM na kaya pumasok na kami sa sinehan. Kailangan talagang agahan kahit reserved seating kasi gusto kong mapanood ang mga trailers ng mga bagong movies ngayong 2011. Pagkapunta namin sa loob, may nakaupo sa seat ko. Lalaki, nasa mid-30's, semi-kalbo ang buhok, naka T-shirt, shorts at may dalang bag. Pagdating ko, bigla siyang tumayo sabay lipat sa kabilang upuan na tabi lang din ng upuan namin. Katabi ko sya, nasa gitnang part kami at harap na harap sa screen. May tinetext sya na parang hindi mapakali at iba talaga ang kinikilos... Ewan ko ba kung bakit ganun. Basta kakaiba. May spark na ewan.

Maya-maya pa dumami na ang tao sa loob ng sinehan. Bawat pasok ng tao, lagi nyang tinitingnan. Ramdam ko din ang lalim ng hininga nya na para bang may pinaghuhugutan. Hindi pa nagsisimula ang sine ay hindi na din ako mapakali sa lalaking un. Maya-maya nalaglag ang mga barya, tumayo ang lalaki sabay pulot nung mga barya saka nilipat nya ang pera sa kabilang side ng kanyang bulsa. Sinusulyapan nya ako, sinusulyapan ko din sya. Nagsusulyapan kami.

All set na ang mga tao at nagsimula na ang sine, sabay may dinukot sya sa bag nya. Parang may gusto syang kunin na ewan. Tiningnan ko talaga bawat kilos nya, tinitigan ko kahit pa magtanong sya sakin o magalit. Maya-maya pa, sinara nya ung bag at wala syang kinuha. Adek? Hindi ko din talaga makita kung ano ang laman ng bag, pero iba na talaga pakiramdam ko that time, dinaig pa ang feeling ng natatae.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganon sya kumilos. Ang Fast ng tibok ng aking puso, 5 times faster ng puso ni Vin Diesel. Hindi na ako nakatiis, umalis kami sa kinauupuan namin at kunwaring dinahilan ko kay gelpren na samahan ako at mag-CR ako. Paglabas namin ng sinehan, nagtaka si gelpren bakit daw umalis kami at kakasimula lang noong pelikula. Sinabi ko sa kanya na hindi ako mapakali doon sa katabi ko, sinabi ko na parang suicide bomber yung katabi ko. Pasensya na sa mga magbabasa pero iba talaga eh.
If you were in my shoes, kakasya kaya? Tingin ko din oo.

Hindi imposible ang ganung sitwasyon, lalo pa at presko pa ang balita kay Bin Laden at ang araw na iyon ay ang araw bago mag-Mother's day. Hindi malayong hindi ko maiisip ang ganun, kahit manood ka sa TV, iba ang palaman ng balita.

Hindi na namin tinuloy ang panonood. Nasayang ang pera. Nanghihinayang. Hindi makamove-on. Kaya kung meron na dyang nakapanood ng Fast Five, pakiusap lang huwag nyo pong ikwento sakin magtatantrums ako. Inggit monde!

7 comments:

  1. haha..nice, first time ako nagread ng blog mo..hindi nakakabored.

    akala ko magkakainlaban kayo ng lalake na un..hehe..baka natatae lang un kaya hindi mapakali..hehe

    ReplyDelete
  2. hahaha...excited pa naman ako sa movie review mo, takte naman tong si koya threatening much ang show..XD

    sayangs ang binayad mo mr chiz...tsk, tsk, tsk..

    ReplyDelete
  3. base!!
    suicide bomber or paranoia?? hehehe..
    me nabalita bang bombing sa gateway after nyong umalis?

    ReplyDelete
  4. hahaha, kaya pala, pwede pang manuod, hehehe

    ReplyDelete
  5. e paano kung me sumabog? anong gagawin mo puyat?

    ReplyDelete
  6. suicide bomber na paranoid.. haha! walang nangyari pero hindi ko natake ang ganung sitwasyon..

    @chroky: tomoh! ito nga yun. hehe.. antayin na lang sa DND.. :P

    @spiderham: uu nga, pano pag may sumabog puyat at kakaperish lang ni bin laden? :P

    ReplyDelete
  7. sumabog ba ang sinehan? hindi? sayang ang pera.

    baka naman pirata un, kumukuha ng sarili CINEMA COPY. ahahaha.

    ReplyDelete