Wednesday, May 18, 2011

ang psp

wala na akong madudutdot..
wala na akong mapapakinggan..
wala na akong mababasa..

nagpaalam na sa akin ang aking psp..
kasama ang charger, bag, at memstick ay
tinangay din ang ala-ala ng kasiyahan..

naalala ko pa kung paano ka dumating sa layp ko..
ikaw ang unang bunga ng 13month pay..
makinang-kinang ka pa noon, walang gasgas..
tuwang-tuwa ka pa noong adik pa ako sau..

magdamag na NBA at patapon..
liko sa kaliwa, liko sa kanan ng gran turismo..
feeling mayaman sa world series poker..

sa aking mga kamay ka natutong magloko..
sa kamay ko nabura ang sticker at mangalawang..
wala kang reklamo sa bawat laglag, gasgas at tapon..
ngayong wala ka na, mamimiss kita..

masakit man sa aking kalooban pero kailangan.
ayaw ko mang pakawalan ka pero may ipapalit na bago.
ayaw ko mang ibenta ka pero para na din sa aking kabutihan.

paalam sa charger.
paalam sa 8gb memstick.
paalam sa psp bag.
paalam sa usb cable.
paalam sa 100+ na iso games.
paalam sa PSP ko.





PS: sayang talaga ang bookr. kakadownload ko lang, hindi ko man lang napagsawaan ang pdf reader na yon. hays.

3 comments:

  1. may mga bagay na kailangan palitan na...hehe..akin nalang..

    ReplyDelete
  2. awwwww.....nakakahinayang nga. pero siguro naman tagal na siyang nagserbisyo sa iyo kaya pagpahingahin mo na hehehe.

    pero alam mo ba kung ano ang nakakatuwa sa post mong ito? Dahil binigyan mo ng espasyo dito sa blog mo ang isang simpleng bagay na tulad ng PSP, at ginawan mo pa ng tula :)

    ReplyDelete
  3. ayus na ang ganyan kaysa naman nanakaw (gaya nung sa akin!)

    ReplyDelete