Friday, December 03, 2010

Nikon Sale.. havey ba o waley?

Yes, you heard it right...

Tama ang napapabalitang may Nikon Sale para sa papalapit na pasko. Magkakaroon ng sale ang Nikon ngayong Dec 6 - 31, 2010 sa piling Nikon stores sa mga malls. Mamimigay sila ng 5-10% discount sa prices at ang nasabing sale ay para sa mga Nikon lenses lamang...

Ito ang list ng resellers/stores na maaari nyong puntahan:
1. Columbia Head Office - sa Quezon City
(Cash payment lang meron dito since ina-update pa daw ang credit card payment system nila)
2. Digital Walker - meron sa Greenbelt 5, Trinoma, at Virramall
3. Tekpone - Sa SM Davao
4. Camerahaus - meron sa sumusunod na SM at Glorietta Malls - SM North, MOA, Davao, Cebu, SM Manila, Iloilo, SM Megamall, Robinsons Galleria, Glorietta 5
5. Picture City - sugod na sa SM MOA, SM Rosales, SM Bacolod, Sm Lucena, SM Fairview, SM Pampanga, SM Pasig, at Ayala Center
6. PerfectShot / TCA - SM North Edsa
7. JWL Int - Mandaluyong City
8. CSP Digital - General Santos City
9. Multi-Color - Bicol City
10. Cagayan Photo - Cagayan De Oro City
11. Prism 2 - Baguio City
(Pa-search na lang ang exact address ng ibang stores na non-Luzon areas.. hehe)

Pero parang may mali ata at iilan lang ang mga Nikon users na excited sa nasabing sale? Karamihan kasi ng mga nasabing resellers/stores ay nasa mall ang pwesto at tila mas mahal pa ang discounted price ng lenses nila kumpara sa presyo ng lenses sa Hidalgo stores. Pero ang kinagandahan ng sale na ito ay may CDSC warranty ang unit na mabibili mo kumpara sa store warranty lang sa Hidalgo.

Kayo na ang bahalang humusga at pumili, the cheap price or the unit warranty? :)

Anyways, ito ang nalakap na price list sa nasabing sale sa isang Nikon Store sa Virra Mall..



Anong masasabi nyo sa Nikon sale? Havey ba o Waley?
I-click ang link sa baba para sa iba pang detalye tungkol sa Nikon Sale: http://www.spiderhamworld.com/2010/12/nikon-great-lens-sale.html

3 comments:

  1. Waley!.. Luz Valdez tayo dyan kapatid.. :P

    kala ko naman malaki ang discount.. hindi nila matapatan ang Canon na pati camera eh naka-Sale..

    pero malay natin.. magbago ang isip.. magpaPASKO naman.. hehe

    ReplyDelete
  2. hahaha! waley na waley.. sana lang isa pang nikon grand sale ung talagang malaki ang discount..

    ReplyDelete
  3. WALEY!!... kawawa naman si pachuchay ko.. nde ko na sinasama sa mga gala ko..

    ReplyDelete