Tuesday, November 23, 2010

Sa halagang 20 pesos...

wala na ngang libre sa mundo. ba't ngayon ko lang narealize yan? sa tinagal-tagal kong namuhay sa planet earth ngayon ko lang narealize ito. Karamihan ng bagay ay may kapalit, kailangan may katumbas. Pinamukha sa akin yan ng isang ale at ng isang bata habang naglalakwatsa sa kung saan...

Sa isang mall habang naglalakad sa foodcourt...

Ale: Ser,.. Ser! Kain na po kayo, may 2 ulam na po at isang kanin..
Queso: Sige lang 'te, busog pa po ako.
Ale: Sige na ser, kain na po kayo. Madami pa pong ulam ser.
Queso: Ok lang te, nakakahiya busog pa talaga ako. Salamat sa pagyaya...
Ale: Sige na ser, tatanggihan nyo pa ba ang beauty ko?
Queso: Sige na nga po.. nakakahiya naman..
Ale: Ayan ser mamili na po kayo ng ulam, isang meat at isang veggies.
Queso: Gusto ko ung ginataang langka at isang sweet and sour meatballs.
Ale: Ok po ser, 99 pesos po lahat..
Queso: Ano?! may bayad pala to? Akala ko libre! Naman!


Sa may Quiapo Church, isang bata ang lumapit at sinuot ang bracelet sa kamay ko nang hindi ko namamalayan...

Queso: Uy, salamat utoy sa bracelet. Napakabuti mong bata ka.. Pagpalain ka sana.
Utoy: 20 pesos po yan kuya..
Queso: Ha?.. ah eh wala akong barya..
Utoy: Sige na kuya, sinuot nyo na eh..
Queso: Wala talaga akong barya..
Utoy: Sige na, 20 pesos lang nagkukuripot pa kayo?!
Queso: aba talagang... ang tyaga mo lang ipagpatuloy mo yan.

Sinubukan ko ang ganitong strategy para naman sa may extra income ako..

Sa abangan ng sasakyan, may lalaking maton..
Maton: Boss, san dito ang sakayan papuntang Quiapo?
Queso: Sa halagang 20pesos, ituturo ko sa inyo ang sakayan.
PAK!

Sa sakayan ulit, may maton...
Maton: Boss, anong oras na?
Queso: Sa halagang 20 pesos, sasabihin ko sayo ang oras.
PAK!

Sa sakayan ulit, may isa na namang maton...
Maton: Boss, may lighter ka pasindi naman ng yosi..
Queso: Sa halagang 20 pesos, papahiram ko sayo ang lighter.
PAK!

Sa halagang 20 pesos, tatlong sapak ang inabot ko... PAK!

2 comments:

  1. ayan kasi. tsk tsk. sa halagang 20 pesos, magkokoment ako ng matino :p

    ReplyDelete
  2. hahaha.. at talagang may presyo na, khanto :P pwede namang libre.. :P

    ReplyDelete