Wednesday, November 03, 2010

Motorcycle Accident

(Repost: mula at sinulat ng isang makesong blogista at ka-opisina, Mark Sarmiento)

Reasons:

· Pagmamaneho ng Nakainom o Lasing

· Matulin na takbo sa daanan

· Matulin na takbo sa daanan kapag umuulan

· Walang suot na helmet

· Nakikipag gitgitan sa mga sasakyan

· Pagewang gewang na pagmamaneho kala mo stunt driver

· Sumisiksik sa mga sasakyan para lang mauna sila kahit na may kasalubong

· Nag-Overtake kahit alam nila na hindi nila linya

· Mga kumakarera sa gabi > eto malamang mabilis ang takbo

· Hit and Run

· At kung ano ano pa.

Alam nyo ngayon ko lang gagawin to dahil minsan nakakainis na at hindi mo alam kung kanino mo sasabihin yung saloobin mo kasi yung mga ibang driver ng motor e sobrang bibilis akala mo hari ng daan, sana naiisip nila delikado ang buhay nila sa ganung sitwasyon.

Ibang mga Driver umiinom ng lasing, sarap kasing uminom e, ang nakakainis lang dun e ikaw pa sisisihin kung anung mangyare sakanila, e kung tutuusin e sila naman tlga yung may kasalanan, ikukulong kapa kapag minalas ka. Ang hirap lang kasing patulan sa daan e, kasi sila, kung magasgasan mo o nasira mo kahit anug bagay dun e kahit san makakabili ka sa sobrang daming nagbebenta ng parts ng motor, e pano kapag sasakyan yung nagasgas nila? E hahanap ka ng mag mamasilya, mag pipintura tapos mahal pa, sira na value ng oto!

Nakakapang init ng ulo yung ibang mga driver ng mga 2 wheel na motor kasi minsan hindi narin sila nag susuot ng helmet tapos magmamaneho pa ng mabilis sa maluwag na kalsada, minsan nakikita na ng mga pulis o mmda pero wala naman silang magawa. Minsan din kasi akong nagmotor at yung ibang rason sa aksidente e naranasan ko din kaya alam ko yung pakiamdam.

Balik tayo sa sama ng loob ko, parati silang laman ng balita (kakasawa) hindi na bago yung naaksidente o namatay dahil sa kapabayaan sa motor. Dahan dahan lang mga people dahil ayaw pa kayo ni Bro sa taas. Isa pang nakakainis, yung mga side mirror e parang palamuti lang sa motor kasi wala ding silbi! Lilingon pa bago mag swerve, galing! Multi tasking.

Kanina bago ako umuwi ng bahay galing libis, dumaan ako sa katipunan (mejo ok pa, walang masyadong motor pero may onting traffic) tapos balara (buti maluwag yung daan) tapos suzuaregi palabas ng commonwealth, DIYOS KO!!!! Mga motor na papunta ng balara, nag kukumahog sa linya ng pa-labas ng commonwealth syempre ako patakbo lang ng kotche na parang walang pakialam kung tamaan sila sa kung saan o hinde, pero napapaisip din ako kung iiwasan ko ba o hinde, kasi kapag tinamaan sila kawawa din naman kaming parehas, maabala ako at mahal ang pagawa, sakanila maabala sila pero mas mura ang bibilhin sa motor nila pero Atleast matututo sila at sisiguraduhin kong MATUTUTO SILA. Ayun iniwasan ko nlng kasi gusto ko nading umuwi saka ayokong magasgas sasakyan ko.

HETO PA NAKAKALOKA! NAGTETEXT HABANG NAG DDRIVE! Eto talaga bilib ka kasi sobrang multi tasking. Nakasalubong ko yun dati sinubukan kong businahan at sabihan na magingat at wag magtext, tapos umalis na ako, HINABOL AKO! Sabi sakin “MAY PROBLEMA KA?” ang tapang lang! nakakainis! Nakakabwisit! Pag tapos nun binaba naming ng kapatid ko, biglang humarurot tapos nag dirty finger! Pinoy nga naman.

Eto pa isa, kapag binusinahan mo ng matagal, magagalit! minsan pa e gigitgitin ka pa (tibay lang nila) ! tapos pag minalas ka bababain ka at mumurahin ka nila, naku sarap sagasaan. Nakakapikon kasi minsan na alam mong tama ka tapos ikaw pa ang huhulihin ng mga MMDA o ng Yellowboys o ng Pulis kung minsan.

E minsan mga MMDA o ng Yellowboys o ng Pulis din gumagawa nito (hindi ko naman nilalahat pero kadalasan ng mga pulis, MMDA, o yellowboys na nakakasalubong ko e walang helmet, mabilis magpatakbo, yung mga biglang mag lilipat ng linya tapos pag binusinahan magagalit. Ang nakakatakot lang kasi sakanila e may bakal silang bitbit pero sana wag gawing dahilan ang propesyon ang tapang sa daan kasi wala lang pangit tignan Tapos tuwang tuwa pa sila kala nila ang galing nilang mag motor, WOW HA! Pag bumalentong ka yun magaling ka hahahahahaha may award ka pa!

Yung ibang mga MMDA o Yellowboys o Pulis e nag sisita at nanghuhuli din ng mga pasaway na driver ng motor, pero minsan ba naitanung mo sa sarili mo kung sino ba ang nanghuhuli sa MMDA o Yellowboys o Pulis na pasaway sa motor? Wala pa akong nabalitaan na ganun e .

Yung ibang MMDA o Yellowboys o Pulis na naghuhuli e minsan gabi yun bang sobrang dilim na, (daan kayo ng Fairview papuntang SM makikita nyo yun), yung daan nayun may mga kumakarera pa and nearby may mga pulis na naka standby, hindi ako nagsusumbong sainyo o ano man gusto ko lang Makita ninyo ang nakikita kong mali sa mga tao sa paligid natin.

Siguro sa mga tao na nakakakita din nito, sana maging responsible din sa mga nasa paligid nya kasi naniniwala ako na lahat tayo e may responsebilidad kahit kanino kakilala mo man o hinde. Wag masyadong maalam sa buhay dahil kelangan ng lahat ng tao ng batikos para malaman nila kung san sila kelangang mag improve!

Sana sa mga may authority jan, sana alamin ninyo kung sino ang kakasuhan o sisishin bago ninyo hulihin dahil hindi sa lahat ng oras e tama ang driver ng motor, hindi porket nakakaawa silang tignan pag naaksidente e sila na ang kakampihan mo. Kasi kung yun yung pagbabasihan edi kawawa naman yung mga driver din na walang kaalamalam.

Advise lang naman sana may makinig Sana din sa mga driver, wag basta basta magsisi kung kanikanino kung may nangyari sainyo sa daan kasi minsan mali din ninyo yun, minsan sinisisi sa gobyerno at kung kanikanino, bakit di mo tignan sarili mo at itanung mo kung anung mali sa mga ginagawa mo, wag ding masyadong matapang kasi hindi lahat e duwag, malay mo may bakal yung kagitgitan mo at lisensyado, o edi hello ka na kay Bro! (sayang ka ba pag nawala ka o hinde?)(tanung mo sa sarili mo!)

Wag sanang magalit ang mga tatamaan pero sana mag tino tayo sa daan kasi wala namang may ari ng daanan e, siguro gamitin nalang natin ng tama, yung mga kakilala ko at kaibigan ko na nagmomotor, ingat kayo palagi dahil my mga driver ng sasakyan na hindi kayo sasantuhin, kawawa naman kayo.

Sana wala ng kotong peeps kasi nakakadegrade ng trabaho yun, kilala nyo na kung sino sino yung mga yun, mas lalo na sa mga MMDA o Yellowboys wag ninyong daanin sa tanda ang mga batang drivers baka hindi mo naitatanong, yung batang sinisita mo e mas marunong pa sayo

Sana lagi sainyo sinasabi ng magulang ninyo na magingat kayo at sana gawin ninyo yun. Isa lang ang buhay, take care of it, or else…….







Kay Bro bagsak mo!!!

2 comments:

  1. di ko alam kung wento ni sarmi to oh seo jim.

    Anyway, sarap upakan ang mga motorista, akala mo sila na ang bida ng kalsada!

    ReplyDelete
  2. kay sarmi, pinapare-post lang sa blog ko..:) nasa fb account nya to.. tama! ang mali pa pati sa sidewalk dun pa dumadaan makasingit lang sa traffic.

    nice blog post, credits to the original owner. :)

    ReplyDelete