Saturday, October 30, 2010

Biritan

Kung may isang tao akong gustong makilala at icongratulate ay pipiliin ko yung taong nakaisip na magtayo ng beerhouse malapit sa kanto namin. Gusto ko lang malaman at itanong kung ampon ba siya ni Bill Gates o pinsan ba siya ni Lucio Tan sa taba ng kanyang utak.

Walang kakaiba sa pagtayo ng beerhouse o ang magput-up ng isang entertainment business. Nalulupitan lang ako sa pamamaga ng taba sa utak nya dahil naisipan nyang itabi ang kanyang entertainment business na beerhouse - sa isa pang beerhouse. Maiintindihan ko pa kung sa tapat o sa kabilang kanto itinayo ang beerhouse na ito. O kaya ukay-ukay yan tulad sa Divisoria na tabi-tabi ang mga pwesto ng tindahan. Kaso hindi eh, parang ipinagtabi mo ang dalawang SM para malito ang mga customer kung saan maganda at murang magshopping.

Wala namang kaso sa akin yun. Pero sa tuwing gabi na dadaan ako sa kahabaan ng kalye Morato papasok ng trabaho at mag-aabang ng masakyan sa kanto, natatawa na lang ako. Alas-tres ng madaling araw na at parang may biritan contest na nagaganap sa lakas ng boses ng mga nagkakantahang lasing sa videoke. Mga wannabe birit singers ang attitude ng mga nag-iinuman at talagang may future sa pagkanta ang mga hitad. Isang bote ng redhorse na lang at maaabot na ang pangarap nila. Talagang pinaggastusan ng may-ari ang sound system with 5.0 speaker setup ang videoke ng magkabilang beerhouse sa lakas ng tugtog.

Paanong hindi ka matatawa kung sa tuwing papasok ka sa office ay ito ang maririnig mo,

Sa Beerhouse 1... May nag ala-Jolina Magdangal na nagtanong..
Mahal mo ba ako, Bakit sinaktan mo?
Mahal mo ba ako, puso'y tapat sayo
Umaasa, Na mapansin mo
Sana naman, Sana naman, Sana naman
Pag bigyan mo

Sa Beerhouse 2.. Sinagot ang tanong ni Jolina ng mala-AEGIS sa beerhouse nato..
Mahal na mahal kita dito sa aking puso
Ikaw lang nag-iisa, o aking mahal
Mahal na mahal kita dito sa aking puso
Ikaw lang nag-iisa, o aking mahal

May feelingerang Zsa Zsa Padilla na parang nagdududa ang sumambit sa beerhouse 1...
Mambobola, boladas mo'y tigilan na
Mambobola, pagkat ako'y sawang-sawa na
Mambobola, boladas mo'y tigilan na
Mambobola, pagkat ako'y sawa na
Ako'y sawang-sawa na

Seryosong nagtapat naman ang April Boy Regino sa kabilang beerhouse.
Di ko kayang tanggapin
Na mawawala ka na sa akin
Napakasakit na marinig
Na ayaw mo na sa akin

To the max na binasted na ng Salbakuta sa kabilang beerhouse.
[STUPID] Love, soft as an easy chair
[STUPID] Love, fresh as the morning air
[STUPID] Love, that is shared by two
[STUPID] Love, I found in you

Walang magawa ang Randy Santiago sa kabila kundi ang umamin..
BABABAERO, BABABAERO
BABABAERO daw ako
sinung may sabi, makakating labi
dididi naman totoo

Sa kalagitnaan ng biritan na ito, may kung anong lasing ang nakalanghap ng masamang hangin at parang sinaniban ni Sadako na bigla na lang bumirit....

Doon sa batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa batibot
Maliksi, masigla!

Hay, ang sarap abangan ng susunod na kabatana sa susunod na pagpasok ko sa trabaho. Gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa ligawan at biritan ng magkatabing beerhouse na ito. Sana next time na dumaan ako, talagang mapapa-ROFL (rolling on floor laughing) o mega gulong na ako sa kalye sa kakatawa habang nag-aabang ng masasakyan.

Gusto kong marinig ang birit ng kantang ETERNAL FLAME sa mga sumusunod na wannabe birit singers..

BULAG: Close your eyes...
PILAY: Give me your hand, darling
BINGI: Do you hear my heart beating?
BOBO: Do you understand?
MANHID: Do you feel the same?
DUKHA: Am I only dreaming?
BUMBERO: Is this burning, an eternal flame
PIPI: Say my name,
BALIW: Sunshine through the rain..
SAWI: my whole life so lonely..
DOKTOR: they come and ease the pain
SELFISH: I dont wanna lose this feeling...

ASONG GALA: wooooooooooooooohhhhhhhhhhhhhhhhh......

Bibirit ka pa?

4 comments:

  1. i did it my waaaaaaaaaaay~
    BANG!!!

    ReplyDelete
  2. Kamusta naman sa mga songbirds sa beerhouse!!!

    baka kumanta nalang ng.....



    Chuvachuchu!!!!

    ReplyDelete
  3. @spiderham: haha.. ang walang kamatayang my way na yan, este ang may patayang my way pala..
    kala ko may makikita na akong basag-bungo..

    ReplyDelete
  4. @khanto: buti nga hindi sila na-iingayan sa kabilang beerhouse, at ganun din ang kabila.. baka magkaroon ng star wars..

    ReplyDelete