Naprepressure ako.. Naprepressure talaga ako. Malapit na kasi ang birthday nya. Ang birthday ng gf ko...(Pansin ko lang lagi syang bida sa mga post ko...hhmmm)
Ang hirap mag-isip ng regalo na maganda at unique. Duda ko ito din ang problema ng karamihan ng mga lalaki kapag nagiisip ng regalo para sa mga babae. Minsan nga gusto ko na lang bigyan sya ng pet na ahas para astig. Tiyak kakaripas yun ng takbo sa sobrang kagalakan at kilig. Baka masampal pa ako sa sobrang tuwa. Ganito ako kapressure kasi gusto kung suklian ung ginawa nya noong last birthday ko. Napasiklab ng surprise party.
"A simple way to a woman's heart is be one of them". In short, need kong maging bakla. Joke!
"Try putting yourself in her shoes". Wala akong magawa kundi ang pairalin ang kabaklaan, ibig kong sabihin ay ung feminine side ng pagiging isang lalaki. Kaya naisipan kong bigyan siya ng isang scrap book.
Sa dinami-dami ng pwedeng iregalo bakit scrap book pa? Nakita ko kasi sa ka-officemate ko ang isang scrapbook at doon ako nagkaroon ng ideya na yun ang ibigay ko sa kanya. Besides, hindi pa yata siya nakakatanggap ng ganitong klaseng gift at first time ko gumawa ng scrap book.
Ang akala kong scrap book na madaling gawin ay sobrang hirap pala. Talagang todo search pa ako sa internet kung paano gumawa at nagshop sa National Bookstore ng mga gamit para sa scrapbooking. Nagkataon din na tinamaan ako ng sipon at ubo last week na talagang sagabal kasi kailangan magpahinga para gumaling kaagad.
Una kong binili ang mga gamit sa National Bookstore at nilikom ang mga birthday greetings sa facebook habang inuuhog at inuubo. After a week at medyo gumaling na ako, saka ko sinimulan ang scrap book na binubuo ng pictures at birthday comments. Habang tumatagal nga eh ung scrap book ay nagiging "crap book" na.. Hindi ko alam kung bakit, pero sadyang papangit ng papangit ang ginagawa ko. what a crap! hehehe..
Natapos ko din ang regalo after 2 weeks na pinagtuunan ko ng pawis at uhog. Binigay ko sa kanya ang gift with matching lagay pa sa gift bag na may greeting card na, Happy Birthday!
Kinilig ang birthday celebrant at maluha-luha habang binabasa ang mga greetings. Halos matadyakan, makurot, at masampal ako sa sobrang tuwa at kilig. Parang gusto nyang mag-jumping jack sa tuwa. Ganun pala un, para akong santol na binudburan ng asukal sa sobrang tamis. Hindi ako aware na malaki pala ang success rate ng kilig factor ang ganoong klaseng regalo. Hindi kasi tinuro yun sa mga RPG games na nilaro ko dati.
Kaya advice ko sa mga lalaki dyan, para mapasaya mo ang iyong loved ones... pairalin ang kabaklaan!
aba... antaray naman nung si bhaby jim, scrapbook ang giftsung kay bhaby nica nia. ahahahah :p
ReplyDeletebhaby jim,
ReplyDeleteang sweet naman! kainggit naman!
happy birthday nica!
@khanto and spiderham: hahaha mga adik.. salamat!
ReplyDeleteunleash the feminine side of you... pairalin ang kabaklaan.. :D
Astig!! aylabet!!..
ReplyDelete