Tuesday, October 19, 2010

1 tulog na lang... birthday mo na!

"isang tulog na lang... birthday ko na! :)"
Ito ang kalimitang status ng gf ko sa YM magmula ng pumatak ang buwan ng October, talagang excited siya at ultimong lipas ng araw ay bilang na bilang. Wala talagang mintis sa pagupdate ng YM status kapag isang araw na naman ang nakalipas habang papalapit ang birthday nya.
May isang bagay din kaming kinakaadikan. Hindi bato o damo kundi ang manood ng PBA. Al-tang-hap, ulam ng usapan namin kundi PBA. Kung nabasa mo ung unang post ko tungkol PBA Opening, halos magka-eyebag na kami sa kakaantay para lang mapanood ang opening nun.

Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nakapunta sa birthday celebration ni Khanto. Bigla nyang nabanggit na may laban ang paborito nyang team sa linggo, isang araw bago ang birthday nya. Tamang-tama daw at kakabili lang ng camera kaya gusto nyang manood at kunan ang paboritong team nya... Pre-birthday treat ito!
Sa courtside namin planong umupo dahil sa kadahilanang suki na kami ng Upper box at hindi pa guaranteed seats, para ka lang nannoood sa TV kapag sa Upper box. Ang hirap magsecure ng seat sa Courtside or Patron area. Halos wala ng vacant kundi Upper Box area na lang. Unang pinuntahan nya ang ticketnet sa SM San Lazaro, sold out! Buti na lang at dumaan kami sa SM Mega. For the first time, nakakuha din kami ng ticket sa Patron Area. Yahoo! ang lapit nito sa mga players at may chance kang makatabi ng magandang artista, i mean mabait na katabi.

Pagdating namin ng Araneta, ang luwag ng security! Akalain mong napuslit ko ang bag ko ng hindi chineck. Next time gagawin ko un para mapuslit ko ang camera sa loob, dati kasi nasita na ako ng guard. Hindi raw allowed ang 6MP and above na camera. Anak ng bubuyog na baog naman, san ka pa ba makakakuha ng 6MP na camera ngayon at parang sinabi mo na din na de-film ang dalhin ko.

Habang papasok kami sa loob, dinig na namin ang talbog ng bola at hiyawan ng tao. Nakakaexcite! Akalain mong excited pa ako sa birthday celebrant. Joke! Maganda ang pwesto namin kasi kabila ng player's area at katabi ang mga officials pati na din ang commissioner. Hindi ko naintindihan ang first game sa kakadaldal at kakamasid sa lugar. Hindi kami makapaniwala na nasa courtside na kami at nasa harap namin ang mga players.
jayjay helterbrand.. hehe
Natapos ang first game at panalo ang Powerade team. Sumunod ang laban ng Brgy. Ginebra at San Miguel. Ito ang inaabangan naming laro! Sobrang tuwa ng gf ko ng lumabas na ang Gin Kings at nagsimulang magpractice. Walang humpay sa pagpitik ng camera hanggang sa naubusan ng battery. hehehe...

Iba talaga ang experience ng manood sa courtside kaysa sa Upper box. Mas intense, mas astig! Naririnig mo ang hiyawan ng mga players at fans, pati ang pagsetup ng plays, at halos ipalapat na sa mukha mo ang mga magagandang sportscaster. hihi. Patricia Hizon at Mica Abesamis! Weetwew! Perfect 10! Sayang at wala si Lia Cruz. Joke. Masasapak na ako ng gf ko nito.

Brgy. Gin Kings habang nagprapractice..

Masaya at bakbakan talaga ang laban ng Gin Kings at San Miguel. Natapos ang 1st half na lamang ang Kings. Pagdating ng 2nd half, nahabol ang 16 points na lamang ng Kings. Nanalo ang San Miguel sa laban na un pero pota naman kasing Miller yan - parang olats ang laro. Turnover at naagaw ng SMB ang bola noong dying seconds. Pagkaubos ng oras, tahimik na lang na naglakad papuntang dugout. Ni walang bahid ng disappointment sa mukha. Bad!

Pero kahit natalo ang Kings, masaya at masarap pa din ang manood ng PBA lalo na sa courtside. Isa na namang astig at hindi malilimutang experience ito! Ito lang ang masasabi ko sa experience na ito - The Best!

No comments:

Post a Comment