Saturday, October 09, 2010

Aysus na jejecam


"Wow, piktyur piktyur!"

Nauuso na ang mga DLSR camera, kahit saan ka mapadpad sa mga expo, mall events o ano pa klaseng events eh naglipana ang mga photographers na may nakasabit sa leeg at hawak na DSLR. Senyales lang na nagmumurahan na ang mga camera ngayon.

Balak ng gf ko na bumili ng camera. Malapit na kasi ang bday nya - a gift for herself. Naks!

Pero hindi dslr ang target namin sa lakad na ito, isang digicam. Gamit ang compass at mapa ay binaybay namin ang kahabaan ng Ortigas at napadpad kami sa SM Mega. Sa taas, sa Cyberzone.

Unang stopover namin sa Canon Center. Maganda ang package and warranty, pinadama pa sa amin ang napili naming digicam sa pamamagitan ng pagkapa at paglamutak ng mga settings. Maganda. Pero parang bitin, hindi type ng gf ko wala daw lukso ng dugo. Nag-ikot ikot pa kami para humanap ng magandang deal.

Napunta kami sa isang store na di ko na matandaan ang pangalan. May isang sales rep na lumapit samin..

Hellow po, mam, ser!
Ah, ate meron po kayong Canon Ixus 200?
Ay, wala na po ser naubosan na po kami ng stock. kung gusto nyo etong Aysus (Ixus) 210 na lang o kaya etong bagu namen Aysus (Ixus) 105.
(pati ako nawindang kung ano ba ang tamang pronounciation ng Ixus)
Kelan po kayo magkakastock ng Ixus 200?
Wala pa pong advice sa amen ser eh, if gusto nyo pakita ko po sa inyu ang bagong dating na cam ser..Aysus (Ixus) din po...
Anong model un?
Aysus na jejecam...
Ha?..... Ano po?
Aysus po na di-gi-cam... hehe

Ah, pagkakarinig ko jejecam...
Teka lang ser, konin ko lang para macheck nyo din..

Pagkatapos ng ilang minuto bumalik si ate jeje dala ang Aysus na jejecam..
Wow heavygats! Nakafullgear pa at may backup dancers este backup na sales rep na dala-dala ang Aysus na jejecam. Handang-handa na sa pag-dedemo. Nagpraktis siguro ang mga ito sa backstage.

Ser, check nyo po ito.. Ito ang bago namen ang Aysus na DI-GI-cam. Demo ko lang ser ha...

Ayan may mood po sya sir, if gusto nyo ng tatskrin o de-button. i-on and off nyu lang po ito..tsaran! tatskrin na po..

(gusto ko sanang itanong kung may emo mood din ba o jeje mood ung cam..)

Iba-iba po ang mood ng jejecam nato... me Auhto (auto mood), Progrham (program mood), Nyht mowd(night mood), Ph0rtrairtsure (portraiture mood), at iba pa..

Me antay-blurr din po cia.. ayan ser kahit igalaw nyu o kunwari pasmadu kayo sharp pa din ang koha.. or kahet gomagalaw ang subject makukunan nyo pa din po siya.. try natin dito sa electric pan.
*Click!
Ay teka ser, di nakohanan ng maganda.. Ulet!
(Napahiya ang loka, blurr ang pagkakashot...)
*Click! *Click! *Click! *Click!
Ayan ser, dba keta ang elesi ng electric pan.

ahhh.. ate...mag..

On top op dat, may fece detection din po seya ser.. Teka konan naten si koya naglalakad. Kita nyu ung kahon sa fece nya, yan po fece detection..

Me macro mood din po siya ser.. actibet ko lang po.. ayan kahit itutok naten dito sa price tag o sa kuko nyu po malenaw ang kuha, kita ang dumi sa kuko nyo. Me touch pocus den po siya ser at color swap feature..

ate, ate.. mag...

28 MM ang lens ser... wide enggel... at payb times zoom po siya ser, ayan po zoom naten. sagad na naten, medyu noysi pero paghapris nyu po wala na ang noys sa image den *PAK!
ayan.. dba ganda po?

3.0 inch po ang LCD.. hayres po siya wid tru-colors.. lutang na lutang ang kulay ser..

teka te, mag....

May HDMI bidyu din po seya ser.. kung ano ang koha sa image sem quality po seya sa bidyu, ayan po actibet naten.. bidyu naten si ale na nangungulangut sa tabi.. ayan ganda ser dba?

At ang audio output nya ser malenaw na malenaw.. CMOS ang sinsor.. 3 yrs serbis at parts warranty po sa mesmong serbis center sir, at my libreng prebis na ESPRIT na watch..
Availabol in all colors ser.. blue, gray, green, silber, at putcha..

(niratrat na talaga ako ng jejemon upselling power at ninais ko na lang tumahimik at saktong dun pa ipinasok ang punchline na.....)

ser, ano po masasabe ninyu?
hhmm... maganda ate. magkano naman yang Aysus na jejecam?

26,490 po pag card.. 26,000 pag cash...

Kaya pala Aysus eh.... Aysus ang mahal!

Sabay walkout.

Nauwi kami sa Canon Center ulet, matapos ang matinding pagkapa at paglamutak nabili din namin ang Aysus na jejecam na sinasabi ni ate jeje..

7 comments:

  1. jejemon si ate hindi sa text, sa salita. :p

    ReplyDelete
  2. @khanto: ma-effort sa pag-uupsell.. hehe

    ReplyDelete
  3. nice..welcome to the blog world...
    hirap indintihin ni jeje ate, hehehe

    ReplyDelete
  4. salamat! :) hehe.. unti na lang putok na litid ko sa ilong.. *nosebleed*

    ReplyDelete
  5. ayos sa salestalk! hehe! napadaan lang!

    ReplyDelete
  6. malupet si ateh besayang jejemon hehe..
    salamat sa pagbisita.. ;)

    ReplyDelete
  7. AYSUS! Potek, grabe si ate, wala akong masabe~
    aysus jejecam~
    HAHAHAHAHA!

    ReplyDelete