Ito na ang pinakahihintay ko, ang 36th PBA Season Opening. Halos lagpas isang buwan din ang pagitan ng pagtatapos ng last season na Alaska ang nagchampion sa tulong ng kanilang import na si Diamon Simpson. At ngayon, simula na ng 36th PBA Season.
Kaabang-abang talaga at matagal kong inantay ang season na ito kasi bukod sa bagong PBA drafted players at player trades, ay may bagong team na nadagdag. Pasok na ngayon ang Meralco Bolts at Powerade Tigers team na magdadagdag aksyon sa PBA.
Kasama ko ang gf ko, kaofficemate, at kaibigan ng kaofficemate ko. Inaagahan namin ang pagpunta sa Araneta para makasecure ng mauupuan. Pagdating namin dun, sarado pa ang gate at alas-3 pa daw magsisimulang magpapasok sa loob. Wala kaming nagawa kundi ang pumila at mag-antay. Walanjoe talaga, sa hinahaba-haba ng pila at pagaantay, bigla na lang nabuwag ang pila at ang mga haliparot nagsisiksikan na pumasok sa main lobby.
Isa lang ang masasabi ko, ang weaklings ng security system ng Araneta. Dadalawa lang ang security bouncer at wala man lang barracade para maayos ang pila. Hindi nakapalag ang mga Adonis na bouncer sa dami ng taong nagsisiksikan na makapasok. No choice! Kailangan talagang makipagunahan at makipagsiksikan.
Sa tagal naming nakipaglabanan sa mga masasamang amoy at init, nakapasok din kami sa wakas! Paunahan sa paghanap ng upuan. All set na at ready to launch!
Nahahati sa dalawa ang event na yun. Unang parte ay ang PBA Opening ceremony at ang pangalawa ay ang laban ng Brgy. Ginebra Kings at Meralco Bolts.
Noong una, hindi ko mawari kung bakit binalutan ng puting tarp ang buong court. Akala ko tuloy mali ang napasukan namin, akala ko ice skating at hindi basketball.
Nang magsimula na ang event, ang ganda ng opening at kamangha-mangha. The best! Pinaghandaan at pinaggastusan talaga. Ang puting tarp na bumalot sa court ay reflector ng projector pala. Malupit ang opening na ang tima ay ang pagbabago ng sistema ng PBA at kung gaano kahilig at talentado ang Pinoy sa larangan ng basketball. May isang comment nga akong nakuha galing sa classmate ko nung college, "pang NBA caliber daw ang dating. Astig!" . Hindi naman talaga malayong mapantayan ng PBA at ng mga Pinoy ang mga kayang gawin o ginagawa sa NBA ngayon.
Nagdagdag sa kasayahan ng event ang mga muse ng iba't-ibang team. Pinangunahan nila Anne Curtis ng Brgy. Ginebra, Carla Abellana ng BMEG Derby Ace, at Jennelyn Mercado ng Talk n' Text. Pero pinakapanalo ang muse ng Powerade, si Vice Ganda at lalong naghiyawan ang mga tao nang magdribol ng bola at nag partey partey dance.
Nagperform din si Gary Valenciano at take note kung sino ang sports caster sa event na yun, si Maria Venus Raj.
After ng event, nagsimula na ang laban ng Brgy. Ginebra Kings at Meralco Bolts. Dikit ang laban sa 1st half. Lamang dito, lamang doon. Physical ang laro. May instance na natamaan sa mata si Helterbrand at akala namin na-dislocate ang eyeball. Joke. Pero tuloy pa din ang laban hanggang dumating na ang final quarter. Dikit pa din ang score.
Lamang ang Kings, 91-92 ang score. Bigla na lang pumakawala ng teardrop shot si Macmac Cardona at nabawi ang lamang, 93-92. Nagtime-out ang Kings hanggang sa dying seconds, hawak ni Miller ang bola at muntikan ma-out of bounce. Dispiradong pinasa ang bola kay Helterbrand, sabay jumpshot at hindi pinalad, hindi pumasok ang bola.
Nagtapos ang laban sa 93-92. Iisa ang lamang. Panalo ang Meralco at Best Player si Cardona. Ika nga eh, pinagbigyan daw ang Meralco at tribute daw ito sa kanila bilang bagong team na pumasok sa PBA. Sa akin naman, talagang breaks of the game lang. Kung sa Ginebra ang panalong yun, na-execute ni Miller ng maayos ang play at na-ishoot ang game winning shot.
Nagtapos ang gabi sa isang napakagandang event. Hindi ko malilimutan ang experience na ito. Checked!
Isa ito sa mga dahilan kung bakit nagbalik-loob ako sa PBA. Iba nga ang PBA noon na dinadagsa at tinatangkilik ng mga fans para manood ng laban. Pero sa tingin ko malayo pa ang mararating ng Association na ito. Sa bawat hakbang, isa lang ang sigurado, pagbabago. Sa bagong Comissioner, tingin ko matutuwid na ang baluktot, isa ito sa mga expectations ng fans para maging matagumpay ang PBA.
More drama, more intensity, more action.
Sabi nga iilang commentator sa opening, "PBA fans.... Bakbakan Na!"
let's get ready to ramble na para sa PBA. :D
ReplyDelete@khantotantra: tara na at sumugod sa araneta. hehe..
ReplyDelete