Saturday, October 02, 2010

Footprints in the Sand


Dito nagsimula ang lahat...


Saan: sa isang sulok ng opisina. kaharap ang computer. nakatitig sa monitor. nakalapat ang mga daliri sa keyboard.

Teka, masyadong boring ang sitwasyon. Ibahin natin. Sa may dalampasigan na lang, namamasyal. Malakas ang alon, humahampas sa mga nagkakakihang bato. Tumatalsik sa mukha ko. Oo, sa mukha ko..


Nang biglang may tumapik sa balikat ko...

Ako: Si-sino ka??
Konsenya: yo, man! 'uztah?
Ako: .................................................................................
Konsensya: hahahahahaha! ang sabi ko, kamusta?
Ako: ok naman, kaw kamusta? teka, sino ka?
Konsensya: Ako? ako ang iyong konsensya.. anong meron dito?
Ako: san?
Konsensya: dito sa blog mo... anong meron?
Ako: wala naman, kakagawa ko lang nito. 'Di ko nga alam kung para san 'to..
Konsensya: nyeek.. ano kaya un??... gagawa-gawa ka ng blog para sa wala?
Ako: ndi naman... ang plano ko dito gawing photoblog pero hindi ko alam paano sisimulan..
Konsensya: nakagawa ka na, unang hakbang na yan..
Ako: ............
Konsensya: Punuin mo na lang ng kwento at sabayan mo ng litrato...
Ako: Bahala na.
Konsensya: para kang timang. You're unsure.
Ako: Nakakatuwa lang magbasa ng blog ng iba.. Natutuwa ako at natututo na rin.
Konsensya: So?
Ako: Yun ang nagtulak sakin para gawin to.. Nakakainspire kasi magbasa ng blog eh. An dami kong naiisip dko lang alam panu simulan.
Konsensya: Good yan. Ituloy mo lang para may silbi ka naman.
Ako: Ito may ipapakita ako saung pic... Nasa taas. Kita mo na?
Konsensya: (Tumingala) Asan? Ulap?
Ako: hindi.. sa taas nitong page.. Scroll up using the scroll button, deym.
Konsensya: Ano 'un? footprints?
Ako: Kuha ko... Maganda ba?
Konsensya: Ok lang...
Ako: yan ang balak ko sa blog ko... Pero gusto ko ding maglagay ng kahit ano..
Konsensya: kahit ano?
Ako: Oo, kahit ano.. Basta kwela..
Konsensya: Ahh.. sige, ipagpatuloy mo na.. Sinimulan mo na eh.
Ako: tingin mo ok?
Konsensya: basta gawin mong kwela para hindi boring tulad mo..
Ako: teka nga, napapansin ko panay hirit mo sakin ah..
Konsensya: kaw na nga ang tinutulungan.. hmp!
Ako: Sino ba mas boss dito?
Konsensya: Sabi ko nga, ikaw... Im just your conscience.
Ako: ok na ako..
Konsensya: anong ok ka na?
Ako: ok na ko, my first entry na ako...
Konsensya: san?
Ako: ito...
Konsensya: ...................
Ako: ito.. ito mismo ang unang entry ko.. yahoo!
Konsensya: hesssh..labo. dyan ka na nga, alis na ko..
**puuppppffff**


Nawala na lang bigla ang mgandang scene ng karagatan. Pota. Napaidlip pala ako sa tagal ng pag-aantay na magkacall. Balik sa isang sulok ng opisina. Basa ang mukha... Teka? Basa ang mukha?!

Ang akala kong talsik ng alon ay tulo ng laway pala. Hays, daydream. Basta, malabo. Korni.

No comments:

Post a Comment