Sunday, March 20, 2011

UP Diliman photowalk

Nabanggit ko na marami akong lakads last week kaya ito ang another installment ng isa sa mga lakads ko. Ichichika ko na..

Naganap ang krimen noong nakaraang linggo. Kating-kati na talaga akong magshoot kaya naman ng magkaroon ng sched para sa isang photowalk eh, kinamot ko na kaagad.

Sa UP Diliman ang napagbotohan ng group at doon mangharot. Sa totoo lang, sa tagal ko na dito sa Manila eh hindi pa ako nakakagawi ng UP Diliman kaya excited akong pumunta. Ignoramus mode na naman ako. May haka-hakang maraming masasarap na kainan sa doon at maraming chickababes na nagjojogging tuwing umaga.. Joke!

Alas-10 ng umaga nasa UP na ako. Naglalanghap ng simoy ng hangin na dumadampi sa dahon ng naglalakihang puno..naks! feeling probinsya ang atmosphere..out-of-the-city. Umariba na kaagad kami at unang pinuntahan namin ang Sunken garden. Ang akala kong garden na may mga bulaklak, tutubi, paru-paro, at iba pa ay isang football field pala.. Kaya sunken ang tawag kasi parang malaking hukay itey. eng? Ditey ko na-try mag-IR (infrared) at tinuruan ako ng kagroup ko. Itey ang result:

DSC_0032final
first IR try.. fanget. hehehe..

Pagkatapos sa Sunken garden, nagdecide muna kaming kumain. Nakarating kami sa heart of lafangan ng UP. Tama nga ang haka-haka, magkakapit-bahay ang kainan at an daming masasarap na dishes. Mega shock ako kasi pina-pala ang rice dito! Umaapaw na sa plato ko. 2 extra rices ang inorder ko at 3 sticks barbeques.. nabuchogs ang loko! Ito pa, pang-military ang plato kaya square meal ang labanan.. literal na napasubo ako. eng? After naming lumafang, pumunta na kami sa wildlife. Ito ang ilan sa mga scenes na nakunan ko..

DSC_0033
whoa? endless..
DSC_0042
daanan papuntang park.
DSC_0039
DSC_0044
DSC_0047
DSC_0045
DSC_0050
bike at jog lane..
DSC_0053
sidewalk going to Melchor hall. Sa panahong yan, mayroong initization ng frat at bawal kunan.


Pagkatapos ng long walk, nagpahinga muna kami saglit sa isang lilim at itinuloy ang harutan. Nagkataon na may mga girls from PUP ang nagphotoshoot. Nakiusap kami kung pwedeng sumali sa funshoot nila at malugod namang pina-unlakan ang aming hiling. Ito ang ilan sa mga shots nila:

DSC_0099

DSC_0115

DSC_0105

DSC_0181

DSC_0097
mula kaliwa: mariz.patrick.apple.

May namuong alamat sa funshoot na ito. Gustuhin ko mang ikwento ay baka humaba na masyado tong entry ko.. Share ko nalang itong next set. *tan-tan-tanan* "The red apple"..

DSC_0167
DSC_0166
DSC_0144
DSC_0141
DSC_0124

Inabot kami ng takip silim sa UP at saka kami nagpasyang umuwi. Mega walk kami papuntang sakayan ng dyip. Sumakto lang talaga na nakunan ko itey bago matulog ang araw. Lubos-lubusin ko na, ang dami ko ng shares.. hehe. Itey pa:

DSC_0208
DSC_0218
DSC_0217

Kapagod ang lakads na ito pero super enjoy talaga. Ito na ata ang pinakamasayang harutan at ang daming pumuntang members sa walks na itey.. solb!

12 comments:

  1. base!
    nice shots lalo na un red..red skies sa takipsilim :D

    ReplyDelete
  2. hahaha! nakabase na kaagad.. hmmm, kala ko kung anong red ang tinutukoy mo.. :P ung red skies pala..

    ReplyDelete
  3. wow, nakabase si blogging puyats.

    ganda ng sunsets. :D

    nice.

    ReplyDelete
  4. salamats.. ganda khanto noh? red na red..:P

    ReplyDelete
  5. very nice yung huling mga shots mo, i likey!:)
    na windang lang ako sa naka two piece...bakit, o bakit gumaganon si ateh sa UP? hehehe

    ReplyDelete
  6. bading ba ung naka bra na un quseo? wakekekek. nice shots!

    ReplyDelete
  7. @tabian: tenchu.. :) hehe, ako nga din nawindang habang kumukuha ng pics.hehe sabi ni ateh, trip lang daw, wala namang may sumita.. :)

    ReplyDelete
  8. @chrokY: hehe.. girl sya na malakas ang loob.. :P

    ReplyDelete
  9. @bulakbolero.sg: salamats at salamats ulet sa pagdalaw.. :)

    ReplyDelete
  10. Lagi ako sa UP pero dito lang naAppreciate ang beauty ng mga subjects mo ahaha. Ipagpatuloy mo yan

    ReplyDelete
  11. salamat pare.. dun ba madalas practice mo sa takbo? daming tumatakbo dun pag weekends ng umaga..

    ReplyDelete