Tuesday, March 22, 2011

Laser therapy

Slight update lang men, ang dami ko kasing walks last weekend at ang hirap gawan ng entry ang bawat lakads pero sadyang ipinanganak akong masipag kaya sisipagan ko ng gawan ng entry ang nakaraang lakad namin.. Syempre petiks monde na naman ang drama sa office.. I love this job! echos again.

Napagplanuhan ng team namin na gumala at magbonding. Nilatag ang blue print at sinumulang pag-isipan ang plano at saan magandang magbonding ang Team India... Yup! you heard it right, Team India ang pangalan ng team namin pero hindi namin ka-team si Gupta ng Outsourced ha.

Ayun, gomora na kami sa Eton Centris para magchicha at maglaro ng laser tag. Nga pala, kung ano man ang title nitong entry na ito ay walang kinalaman si Belo, hindi ako nagpatransplant.. hindi ako nagpa-lipo.. hindi ako nagpa-laser.. Mamaya, explain ko kung bakit ganyan ang title..

After sheep ay diretso na kami sa Eton Centris, madadaanan lang ito kung babaybayin mo ang Edsa na malapit itey sa Quezon Ave station-MRT na malapit sa Trinoma na malapit sa SM North at malayo naman sa Muñoz Market.*hingal**** Itey ang view..

2010122003

2010070707
ang mga larawang ito ay galing sa google.


Kumain muna kami sa Shakeys bago kami sumabak sa laban para armado din ang aming mga tiyan. Ito at nasa baba ang group hugs, kuha mula sa bagong jejecam ni khantotantra.

190110_1567725647096_1654107646_1272700_2486870_n
mula kaliwa: whattaqueso.joan.khantotantra.perci.mei.mapanuri.irmantheman

189091_1567728567169_1654107646_1272715_6010564_n
mula kaliwa ulet: mama he.chroky.mapanuri.perci.joan.mei.irmantheman.whattaqueso.


Alas-3 ng hapon ang sched ng battle namin, naks! battle ang term talaga men..hehe. Ito din kasi ang time na bakante ang battefield at walang nakareserve. Sinumulan ang battle sa pamamagitan ng how-to tutorial sa briefing area. Bilang isang first timer ay medyo ignoramus pa ako sa larong ito. Napabilang ako sa red team at todo jacket pa ako.. Hindi kasi ako naniwala sa mga kumakalat na alamat na pagpapawisan ka daw sa kakabaril at kakatago.

Sinimulan na ang battle sa pamamagitan ng buzzer na kasing-tunog ng timeout sa hockey game. Susme! ang dilim ng paligid, natuliro ako kung saan ako pupunta sa lawak ng battle field, may mga taguan at masasandalang pader at may mga designs ng luminous paint. Sa sobrang tuliro ko men, pinagbabaril ko kahit kakampi ko.. warfreak ang ignot! Sabayan pa ng walang humpay sa kakatakbo kaya 3 minutes pa lang ay nagkakandahirap na akong huminga, hingang may hika talaga.. Tagaktak din ang pawis ko, salong salo ng jacket ko.. Walang timeout men. tuloy-tuloy ang *pip-pip-pip-piw* ng laser guns..

Ang 15 minutes na battle time ay sobrang sulit, kala ko nga 1 oras kami doon sa battlefield at nakalimutan na kami ni koya. Natapos ang battle na masaya ang madlang pipol at enjoy na enjoy!.. dead-tired-happy. Sa sobrang gravy ng pagod ko ay di ko na ramdam ang tuhod ko at nginig to the bones ang drama..Gusto kong lumagok ng isang drum ng tubig sa sobrang uhaw.

Baka humaba pa ang slight update na ito, itey na muna ang mashashare ko.Masaya ang lakad namin at kaya pala laser therapy ang title nito kasi nawala ang stress ko sa katawan mula sa mag-umagang work sa office..

Sa susunod na laser therapy, sama ka?

8 comments:

  1. rematch. lugi kami sa tao. :p

    akala ko shot mo yung colored towers sa centris

    ReplyDelete
  2. animated masyado ng binasa ko ang entry mo! *pip-pip-pip-piw* parang timang lang, pinagbabaril ang kakampi..hehehe
    ka aliw much! :D

    ReplyDelete
  3. saya naman!! pwd sama sa sunod? haha joke..

    ReplyDelete
  4. anak ng... akala ko nagparetoke ka~
    pag sumama ako next time ayokong kakampi ka, binabaril mo kateam mo~
    salamat sa tips, hindi na ako magjajacket pag naglaro tayo.

    ReplyDelete
  5. @khanto: hehe, rematch sa next na lakad ulet sana madami tayo para sakop natin buong battle field men..:P nenok lang sa google, gusto ko nga din shoot yan..

    @tabian: hehehe, pang outerspace ang tunog ng baril, kaaliw! at nagsasalita pa, "you have been tagged", "good job" at "ignot! kakampi mo yang binabaril mo"..:P

    ReplyDelete
  6. @jampongjam: hehe.. tara sama kaw! :) wala lang dalahan ng shotgun.. :P

    @spiderham: kala ko nga nakakaremove ng warts ang laser doon, dehins pala.. :D sama ka na next time men, masaya at nakaka-adik..:)

    ReplyDelete
  7. painless ang laser therapy na itey.. bet na bet!.. haha nahawa na ko sayo! :P

    ReplyDelete
  8. @mapanuri: hahaha.. wagi noh? at mura pa ang therapy na itey.. rematch daw sabi ni gelo..:P

    ReplyDelete