Showing posts with label team bonding. Show all posts
Showing posts with label team bonding. Show all posts

Thursday, March 24, 2011

Anthzters Beso-beso

Heto ang last installment ng mga lakads ko noong nakaraang linggo. Start na ulet ng chikahan.

After a year, nagkaroon ulet ng beso-beso kami ng mga friendships at batchmates ko ng highschool. Matagal na kasi kaming hindi nagkikita-kita, inaabot talaga ng taon. Hati kasi ang mga harot, karamihan nasa Cebu, kakarampot nasa Manila.. Kaming mga nasa Manila, kami ang nagbeso-beso. Lumuwas ang isang friendship namin dito sa Manila, dapat nga noong last pyrolympics kaso nagkatamaran at walang konkretong blue print. Sinadya naming sa SM North ang venue para malayo sa mga nasa Bicutan, Cavite, at Batangas..hihi

1:00 ang call time.. Kumain muna kami sa KFC habang inaantay ang iba, tomguts na din kasi ang iba na malayo pa ang nilakbay para sa beso-besong itey. Nang makumpleto na ang mga harot, simulan na ang kamustahan, asaran, kwentuhan, at tawanan.. Na-uungkat na naman ang bloopers at moments ng nakalipas. Normal na ang mga hiritang itey.

"kamusta ka naman, bakla? kabigaon mo lang gihapon.. "

"mas matibay pa sa basketball an usad, naka-3points na.. ninong kamo sani.."

"grabe lagi an beauty mo, beauty ni Gina Pareño."

"sabi ko na, bakla ka pa din.. kulot pa din ang hair mo girl.."

"Hapita ka na mapanot.."


"Kaniwang mo naman.. nagakaon kaba o nasobrahan ka lang sin.........."

After kumain at magkwentuhan, diretso na kami sa sinehan para magwatch ng "I Am No. 4". Hanggang sa sinehan, tuloy ang harutan.. Kami na ata ang pinakamaingay sa loob. After manood ng sine, diretso na kami sa Eton Centris para maglaro ng laser tag. hehe.. Oo, nagpalaser ulet ako. Adiktikus monde na naman sa laser gun.. Hati ang grupo sa dalawa, this time alam ko na sino ang kakampi at kung sino ang dapat barilin..

9:00 PM na ng matapos ang beso-beso namin.. After naming magdinner, nagsiuwian na ang mga harot.. Nakakapagod men pero enjoy ang beso-beso na itey. Pabaon ko ang group hugs na itey.. Babay!

DSC_0170
mula kaliwa: whattaqueso.monmon."thewarriorgoddess"-dom.hihi.. "johnnybravo" -argie.rj.eds.than2.reena.dimple."gina p."-alma.
DSC_0145
DSC_0140
DSC_0131
DSC_0120
center of distraction... attraction pala..
DSC_0116

Tuesday, March 22, 2011

Laser therapy

Slight update lang men, ang dami ko kasing walks last weekend at ang hirap gawan ng entry ang bawat lakads pero sadyang ipinanganak akong masipag kaya sisipagan ko ng gawan ng entry ang nakaraang lakad namin.. Syempre petiks monde na naman ang drama sa office.. I love this job! echos again.

Napagplanuhan ng team namin na gumala at magbonding. Nilatag ang blue print at sinumulang pag-isipan ang plano at saan magandang magbonding ang Team India... Yup! you heard it right, Team India ang pangalan ng team namin pero hindi namin ka-team si Gupta ng Outsourced ha.

Ayun, gomora na kami sa Eton Centris para magchicha at maglaro ng laser tag. Nga pala, kung ano man ang title nitong entry na ito ay walang kinalaman si Belo, hindi ako nagpatransplant.. hindi ako nagpa-lipo.. hindi ako nagpa-laser.. Mamaya, explain ko kung bakit ganyan ang title..

After sheep ay diretso na kami sa Eton Centris, madadaanan lang ito kung babaybayin mo ang Edsa na malapit itey sa Quezon Ave station-MRT na malapit sa Trinoma na malapit sa SM North at malayo naman sa Muñoz Market.*hingal**** Itey ang view..

2010122003

2010070707
ang mga larawang ito ay galing sa google.


Kumain muna kami sa Shakeys bago kami sumabak sa laban para armado din ang aming mga tiyan. Ito at nasa baba ang group hugs, kuha mula sa bagong jejecam ni khantotantra.

190110_1567725647096_1654107646_1272700_2486870_n
mula kaliwa: whattaqueso.joan.khantotantra.perci.mei.mapanuri.irmantheman

189091_1567728567169_1654107646_1272715_6010564_n
mula kaliwa ulet: mama he.chroky.mapanuri.perci.joan.mei.irmantheman.whattaqueso.


Alas-3 ng hapon ang sched ng battle namin, naks! battle ang term talaga men..hehe. Ito din kasi ang time na bakante ang battefield at walang nakareserve. Sinumulan ang battle sa pamamagitan ng how-to tutorial sa briefing area. Bilang isang first timer ay medyo ignoramus pa ako sa larong ito. Napabilang ako sa red team at todo jacket pa ako.. Hindi kasi ako naniwala sa mga kumakalat na alamat na pagpapawisan ka daw sa kakabaril at kakatago.

Sinimulan na ang battle sa pamamagitan ng buzzer na kasing-tunog ng timeout sa hockey game. Susme! ang dilim ng paligid, natuliro ako kung saan ako pupunta sa lawak ng battle field, may mga taguan at masasandalang pader at may mga designs ng luminous paint. Sa sobrang tuliro ko men, pinagbabaril ko kahit kakampi ko.. warfreak ang ignot! Sabayan pa ng walang humpay sa kakatakbo kaya 3 minutes pa lang ay nagkakandahirap na akong huminga, hingang may hika talaga.. Tagaktak din ang pawis ko, salong salo ng jacket ko.. Walang timeout men. tuloy-tuloy ang *pip-pip-pip-piw* ng laser guns..

Ang 15 minutes na battle time ay sobrang sulit, kala ko nga 1 oras kami doon sa battlefield at nakalimutan na kami ni koya. Natapos ang battle na masaya ang madlang pipol at enjoy na enjoy!.. dead-tired-happy. Sa sobrang gravy ng pagod ko ay di ko na ramdam ang tuhod ko at nginig to the bones ang drama..Gusto kong lumagok ng isang drum ng tubig sa sobrang uhaw.

Baka humaba pa ang slight update na ito, itey na muna ang mashashare ko.Masaya ang lakad namin at kaya pala laser therapy ang title nito kasi nawala ang stress ko sa katawan mula sa mag-umagang work sa office..

Sa susunod na laser therapy, sama ka?