Friday, April 15, 2011

american war memorial


Dapat nga eh matagal na 'tong post na to.. Noong nakaraang dalawang linggo pa sana kaso inatake ng katamaran ang inyong lingkod kaya ngayon lang ulit nakapagkwento.

After kong umattend ng meeting sa isang event na generally hindi naman naging meeting kasi puro kwentuhan, lokohan, at tawanan lang ang naganap - nag-aya ang isa na pumunta American War Memorial malapit sa Global City. On the go na naman ang ignot kasi perstaym kong umapak doon at gusto kong makit ang mga nagpipilahang krus.

Tanghaling tapat ng dumating kami sa AWM. Tirik na tirik ang araw, super sa hotness.. Bawal ang food at drinks sa loob kaya nilagok ko na ng tubig bago pumasok. Pagkatapos basahin ang rules and regulation at magbigay ng instruction ang guard, pumasok na kami sa loob para magshoot. Galit-galit ang labanan, walang imikan. Kanya-kanyang tuwad at luhod para kumuha ng pic.

Noong una medyo naiilang akong kumuha ng pic at lapitan ang mga krus kasi nga mga dead americans ang nasa ilalim. With due respect, nagpasintabi naman ako bago kumuha ng pic. Malawak at malinis ang place at sa gitna may mala-arena na parang pinaglabanan sa gladiator.
Sa pader, may mga nakasulat na names ng mga american heroes na nakipagsalaparan sa digmaan. Meron pang mapa at tactical plans kung paano lumusob ang mga kano..

After magshoot, sabay uwian na.. Pahaging pa pala, napadpad pa kami sa Market-market para kumain. Gravey lang, halos 3 kilometro ang layo ng nilakad namin para lang maibsan ang gutom naming sikmura. Share ko na ang ilan sa shots:

DSC_0252

DSC_0253

DSC_0291

DSC_0302

DSC_0308
ang mala-gladiator na grandstand..

DSC_0315
saktong may erplen..

DSC_0320



3 comments: