Tuesday, March 08, 2011

Sulyap kay Inday sa Balitaw

"Lights, camera, action.."

Yan ang narinig ko kaninang madaling araw habang papasok ng office.. Oo, sa gabi ako nagtratrabaho para manisip ng dugo. Joke! Bampira shift ako ngayon kasi madaling araw ang shift ko. eng? Pagkasakay ko ng dyip at habang binabaybay ang Kamuning Road ay biglang nagkatrapik. My goodness, gracious! kala ko may rebolusyong nagaganap sa kanto ng Jimenez sa dami ng tao. hehe..

Habang nasa unahan ako ng dyip at paunti-unti ang takbo eh hindi ko mapigilan ang (maihi) makiusyoso sa mga kumpulan ng tao. Ginamit ko ang pagiging lastikman at mega stretch ng aking leeg. Madaming lights at mga crew na nagassist sa isang sulok. Nasite-seeing ko si Maja Salvador at Mateo Guidecille na nagaacting-actingan sa kanto. May shooting, may shooting!

Ganito ang eksena talaga pag may shooting, madaming nakikinood para makita ang artista. Nasilayan ko ang beauty ni Maja. Dandang babae. Huge potential. Porcelain skin tone. At si Mateo naman syempre wafu. Mas nakatutok ako kay Maja, ignoramus mode. Danda talaga nya.. hays..

maja
pulot sa google ang pic na ito..

Ito ang taping ng bagong TV series na "Wansapanataym" ng ABS-CBN. Pangalawang installment ito na ang title ng episode ay "Inday sa Balitaw" at pinagbibidahan ng mga nasabing artista. Revival ito ng original movie na Inday sa Balitaw na pinagbibidahan noon ni Diamond Star, Maricel Soriano at kasama si Susan Roces.. Comedy itey at cheery role ang gagampanap ni Maja.

Kung si "Inday Bote" ay ang isang Inday na magbobote, si "Inday sa Balitaw" ay isa namang Inday na nagtitinda ng gulay. Masusubukan ang bagong tambalan ng Majateo (Maja at Mateo) na ang bagong loveteam na dinedevelop ng nasabing network.. Noong nakaraang sabado ay nagsimula na ang airing ng series nato at kaabang-abang kung papatok sa madlang pips ang tandem ng dalawang artista. Abangan.

7 comments:

  1. base!!! 2 base!!! ganda ilkilik, hahaha

    ReplyDelete
  2. aba, bumibase ka na din chroky???

    ReplyDelete
  3. hehe.. un kaagad ung napansin. :P super danda nya.
    @khanto: oo nga, 2 bases pa.. hehe..

    ReplyDelete
  4. sorry talaga ser, hindi ko mapigilang pansinin ang kili-killers nya...only adobe touches her kilikili...hehehe

    ReplyDelete
  5. @tabian: hahaha.. parang wala ng kilikili ma'am sa galing ni adobe. :) hubagang ate oi.. wala jud ko ka-shakehands kay pasmado akong kamot.

    ReplyDelete
  6. hubag jud?
    di lage manghugas dayon after...mamalantsa, awa pasmado na nuon..hehehe

    ReplyDelete
  7. i agree,hahaha.. sa sunod hugas usa bago.... plantsa aron dili mapasmo.. :P

    ReplyDelete