Saturday, March 05, 2011

"Nang dahil sa colon..."

"Ano beh ate, colon lang di mo alam? un ung kadugtong ng rectum.."

Ewan ko ba kahit tinatamad at inaantok ako ngayong araw ay hindi ko maiwasang hindi gawan ng entry ang experyens ko ngayong araw. nakakainit ng ulo. Ramdam ko yung dugo ko sa utak kumukulo na. Unti na lang dinuguan na...

Ganito kasi yan, ang tagline sa taas ay may kinalaman sa bad experyens ko ngayong araw. Sisimulan ko ng ikwento.

After shift ay sinundo ko ang aking lovey dovey sa work, kwentuhan ng unti sabay larga papuntang SM Megamall para bumili ng ticket para sa Sunday. Binalak kasi naming manood ng basketball game sa Araneta Center ngayong Sunday, sa courtside sana para masight-seeing ang mga players at hindi na lang lagi sa free seating na kung dun ka umupo at kala mo mga unano yung naglalaro ng besketball. 11 ng umaga pa lang nasa SM Mega na kami para makabili ng ticket, wala ng arte dumiretso na kami sa Customer Service at todo inquire kung meron pang seat sa courtside or kahit sa lowerbox lang. Deng?

Wala ng available na seat, free seating na lang daw at sa upper box B nalang ang meron. Ito ung seat na nabanggit ko kanina na para kang nanood ng mga unanong naglalaro sa sobrang layo sa playing court. Gravey, dinaig ang concert ni Taylor Swift, sold out na kaagad eh elimination pa lang naman. Hindi naman si Justin Beiber ang maglalaro ng b-ball ah?

Sayang kasi ang moment, inaabangan ko 'tong game na ito last month pa tapos hindi ako makakanood ng live? Hindi kami sumuko sa pagsubok na ito, saglit kaming umalis sa customer service area at tumawag sa ticketnet para magtanong kung talagang wala ng available na seat. Sabi ni ateng mabait, meron pa daw sa upper box A, madami pang bakanteng seat. Ang bait ni ateng mabait at kinuha pa ang name namin para ifollow up ito. Go na din kami sa upper box A, at least malapit-lapit ito sa view, hindi na unano view, midget na.

Sugod ulet kami sa Cust service at naginquire. This time, sinabi namin na nag-inquire kami sa ticketnet at sinabi na may available pa sa upper box A. Sabay tanggi si ateng mataray, wala na daw talagang available na seat sa upper box A, B na lang ang meron. May lumapit na isa pang attendant, at mega refresh ng system nila hanggang sa nagrestart ang computer.

Attendant: i-refresh mo ung system para updated.
Ateng Mataray: Paano? ayaw nga eh, kahit ESC ayaw oh..
Attendant: pindutin mo ung Esc tapos pag may bagong window C - colon (C:)
Ateng Mataray: ***pinipindot ang letter C sa keyboard at asterisk***

Tumagal ang ganitong sistema ng 10 minutes hanggang sa apat na silang minumurder ang computer. Hanggang lumapit ang isang marunong magrefresh ng system.

Attendant: Pindutin mo muna ang shift then colon.

Success! Nagrestart ang computer after 5 minutes. Pero ganun pa din ang sistema. Walang upper box A. Kami namang makukulit ay pinagpilitang meron sabi ng representative sa Ticketnet. Hindi nakatiis si ateng mataray, at tumawag sa ticketnet at naconfirm na wala na ngang Upper box A! ang kulet! :D Pabulong pa sya sa mga kasama nya na wala nga daw.

Malumanay akong nakiusap kung pwede kong makausap ang representative sa Ticketnet. Eng?
Declined. Tumataas na boses ni ateng mataray at sabay banggit na admin na daw ung nakausap nya at laging updated at online ang system nila. Hindi kami sumuko. Pagsubok lang ito. Saglit kaming umalis at tumawag ulit sa Ticketnet. Nagtanong ulit kung ano ang available seat. This time, complain kung complain. Nirequest namin na tawagan ang Cust Service at sabihin na icheck ulit sa updated at always online system nila. Maya-maya nakatanggap na ng tawag si ateng mataray at this time talagang nagrereklamo na kami at sinasabayan na ang katarayan nya. Hanggang sa naconfirm na may available pa sa Upper box A. Nagrequest kami ng ibang attendant para magassist. At last nakabili kami ng ticket. Capital UPPER BOX A. Natapos ang araw na badtrip kaming lahat. Kami at ang Cust Service pips. Gusto ko sanang magreklamo sa sablay na sistema pero hinayaan ko lang baka dinuguan na ang dugo ko sa sobrang pagkulo.

Isang eksampol ng bad customer service. I feel deceived. I was hassled. I wasted time.

Sana next time, ibigay ang tamang at konkretong impormasyon sa mga customers.
Sana next time, magpractice ng basic keyboard typing.
Sana next time, Sales Service ang tawagan, hindi ang Admin.

Pardon me, I feel dinuguan today.

5 comments:

  1. oks lng yan. may mga pasaway at imbyerna moments ang mga tao.

    ReplyDelete
  2. tamahh. masama ang gising. woke up in the other side of the bed..

    ReplyDelete
  3. hahaha, ang kulet, talagang gusto nu ng upper box A!!! hahaha

    ReplyDelete
  4. hahaha easy easy.. may puto ako dito oh.

    ReplyDelete
  5. hahaha.. uu, talagang pinagpilitan ang upper box A kala nmn malaki ang difference.. :D

    @jampong: hahaha, perfect match! penge ng puto in case mag feeling dinuguan ulet.. :P

    ReplyDelete