Dahil sa sobrang idle sa office lalo na kapag weekend, kung ano-ano na lang ang sinusurf ko sa internet para lang may magawa at maaliw sa kakaantay ng oras.
Sa daming kong napuntahang forum at sites, napadpad ako sa isang photography site. Well, tama if photo enthusiast ka magugustuhan mo itong site na to. At kung tinatamad kang magbasa, bagay din ito sayo kasi videos ang karamihang laman nito. Famous photographers, tutorials, photography events and other segments ang mga feature nila.
Wala akong talent fee dito ha? hehe..
Kung handa ka na, go na sa pagclick ng site link: www.camerageektv.com
The Whatta Queso Experience
Saturday, June 16, 2012
Wednesday, May 18, 2011
ang psp
wala na akong madudutdot..
wala na akong mapapakinggan..
wala na akong mababasa..
nagpaalam na sa akin ang aking psp..
kasama ang charger, bag, at memstick ay
tinangay din ang ala-ala ng kasiyahan..
naalala ko pa kung paano ka dumating sa layp ko..
ikaw ang unang bunga ng 13month pay..
makinang-kinang ka pa noon, walang gasgas..
tuwang-tuwa ka pa noong adik pa ako sau..
magdamag na NBA at patapon..
liko sa kaliwa, liko sa kanan ng gran turismo..
feeling mayaman sa world series poker..
sa aking mga kamay ka natutong magloko..
sa kamay ko nabura ang sticker at mangalawang..
wala kang reklamo sa bawat laglag, gasgas at tapon..
ngayong wala ka na, mamimiss kita..
masakit man sa aking kalooban pero kailangan.
ayaw ko mang pakawalan ka pero may ipapalit na bago.
ayaw ko mang ibenta ka pero para na din sa aking kabutihan.
paalam sa charger.
paalam sa 8gb memstick.
paalam sa psp bag.
paalam sa usb cable.
paalam sa 100+ na iso games.
paalam sa PSP ko.
PS: sayang talaga ang bookr. kakadownload ko lang, hindi ko man lang napagsawaan ang pdf reader na yon. hays.

Wednesday, May 11, 2011
fast five eksperyens
Noong makita kong showing na ang Fast and Furious 5 sa mga sinehan, gusto ko talagang manood kasi crush ko si Paul Walker at trip ko ang mga previous installment ng pelikulang ito. Inantay ko din to, tagal ko ng hindi na sisight-seeing si Paul Walker eh.
Niyaya ko si gelpren na manood noong nakaraang Sabado sa Gateway mall. After lunch ay nasa mall na kami. 4:00pm ang kinuha naming sched ng Fast 5. Habang hinihintay namin ang airing, kumain muna kami, naglaro sa Timezone, at naglibot-libot na rin. Muntik ko na ngang makaligtaan ang ticket at todo search and rescue sa bulsa ng aking 6 pocket short, tiningnan ko nga din ang ngala ngala ko baka nalunok ko ung ticket.
Ayun, 3:50PM na kaya pumasok na kami sa sinehan. Kailangan talagang agahan kahit reserved seating kasi gusto kong mapanood ang mga trailers ng mga bagong movies ngayong 2011. Pagkapunta namin sa loob, may nakaupo sa seat ko. Lalaki, nasa mid-30's, semi-kalbo ang buhok, naka T-shirt, shorts at may dalang bag. Pagdating ko, bigla siyang tumayo sabay lipat sa kabilang upuan na tabi lang din ng upuan namin. Katabi ko sya, nasa gitnang part kami at harap na harap sa screen. May tinetext sya na parang hindi mapakali at iba talaga ang kinikilos... Ewan ko ba kung bakit ganun. Basta kakaiba. May spark na ewan.
Maya-maya pa dumami na ang tao sa loob ng sinehan. Bawat pasok ng tao, lagi nyang tinitingnan. Ramdam ko din ang lalim ng hininga nya na para bang may pinaghuhugutan. Hindi pa nagsisimula ang sine ay hindi na din ako mapakali sa lalaking un. Maya-maya nalaglag ang mga barya, tumayo ang lalaki sabay pulot nung mga barya saka nilipat nya ang pera sa kabilang side ng kanyang bulsa. Sinusulyapan nya ako, sinusulyapan ko din sya. Nagsusulyapan kami.
All set na ang mga tao at nagsimula na ang sine, sabay may dinukot sya sa bag nya. Parang may gusto syang kunin na ewan. Tiningnan ko talaga bawat kilos nya, tinitigan ko kahit pa magtanong sya sakin o magalit. Maya-maya pa, sinara nya ung bag at wala syang kinuha. Adek? Hindi ko din talaga makita kung ano ang laman ng bag, pero iba na talaga pakiramdam ko that time, dinaig pa ang feeling ng natatae.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganon sya kumilos. Ang Fast ng tibok ng aking puso, 5 times faster ng puso ni Vin Diesel. Hindi na ako nakatiis, umalis kami sa kinauupuan namin at kunwaring dinahilan ko kay gelpren na samahan ako at mag-CR ako. Paglabas namin ng sinehan, nagtaka si gelpren bakit daw umalis kami at kakasimula lang noong pelikula. Sinabi ko sa kanya na hindi ako mapakali doon sa katabi ko, sinabi ko na parang suicide bomber yung katabi ko. Pasensya na sa mga magbabasa pero iba talaga eh.
If you were in my shoes, kakasya kaya? Tingin ko din oo.
Hindi imposible ang ganung sitwasyon, lalo pa at presko pa ang balita kay Bin Laden at ang araw na iyon ay ang araw bago mag-Mother's day. Hindi malayong hindi ko maiisip ang ganun, kahit manood ka sa TV, iba ang palaman ng balita.
Hindi na namin tinuloy ang panonood. Nasayang ang pera. Nanghihinayang. Hindi makamove-on. Kaya kung meron na dyang nakapanood ng Fast Five, pakiusap lang huwag nyo pong ikwento sakin magtatantrums ako. Inggit monde!

Subscribe to:
Posts (Atom)